Tamang venue sa libel
Sa tamang venue dapat isampa ang kasong libelo sa mga media practitioner at hindi kung saang lugar na gustuhin ng taong magsasampa nito.
Sa House Bill 431 na inakda ni House Deputy Speaker Raul del Mar ng Cebu, nakasaad dito na puwedeng sampahan sa Regional Trial Court (RTC) ng kasong libelo ang isang mamamahayag kung saan naroroon ang kanyang opisina at hindi na puwedeng sa iba’t ibang lugar na ang layunin lamang ay perwisyuhin o gipitin ang kinasuhan.
Sinabi ni del Mar, hindi dapat ma-harass ang isang mamamahayag sa pagganap ng kanyang tungkulin para sa bayan. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending















