Bagahe ni Robin Padilla nadale sa NAIA

Nawalan ng isang ba­gahe ang aktor na si Robin Padilla nang dumating ito kagabi sa Ninoy Aquino International Airport [NAIA] Terminal 1 kasama ang misis na si Leizel at anak na lalaki galing Dubai.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang dumating sa bansa si Robin lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 kasama ang asang si Leizel at anak na lalaki mula sa pagbisita sa mga Pinoy sa Dubai.

Nadiskubre na nawa­wala ang isang luggage nito matapos ang matagal nitong pag-aantay sa kanyang bagahe sa may conveyor area ng NAIA.

Ayon kay Padilla, bago nawala ang isa niyang maleta na naglalaman ng mga mamahaling pasalu­bong para sa bunso niyang anak na si Sheerllen, ay katabi pa niya sa loob ng upuan ng eroplano ang mag-asawang Dannie at Minda Mira, tubong Punta Sa Long, Manapla, Negros Occidental.

Habang nasa himpa­pawid, naikuwento ng mag-asawang Mira na kaya sila lumuwas ng Pili­pinas ay dahil sa isa sa mga pamilya ng mga ito  ay namatay sa naturang lalawigan.

Nabatid na hindi sukat akalain ni Padilla, na na­dala na pala ng mag-asawa ang kanyang male­tang kulay yellow green na halos ka­ hawig din ng dalang ba­gahe ng pamilya Mira.

Kaagad na humingi ng tulong si Padilla, kina Col­lector Tess Roque, hepe ng Customs Arrival Pas­sengers at Cpl. Lito Mutya, ng Airport Police Depart­ment [APD], upang i-alerto ang lahat ng mga hotel partikular ang mga airline company na tutungo sa Negros Occidental.

Matapos ang maagap na pagresponde ng mga airport officials, natunton ang mag-asawang Mira na kasalukuyan nang naka-check-in sa Dusit Hotel sa Makati City. Agad namang humingi ng paumanhin ang mag-asawang Mira kay Robin dahil sa hindi sinasadyang pagkakuha ng bagahe nito na kahawig ng kanilang bagahe. (Ellen Fernando)

Show comments