GMA ipinagtanggol ni Speaker Nograles
Ipinagtanggol ni House Speaker Prospero Nograles Jr. ang ginawang pagbibigay ng executive clemency ni Pangulong Arroyo kay convicted murderer Claudio Teehankee Jr.
Sinabi ng House Speaker na sakop ng kapangyarihan ng Pangulong Arroyo ang pagkakaloob ng presidential pardon sa mga convicts na karapat-dapat na pagkalooban ng kapatawaran.
Si Nograles ay isang topnotcher lawyer at kilalang human rights advocate ay nagsabing walang sinuman ang maaring kumuwestyon sa paghatol at pagbibigay kapatawaran ng Pangulo.
Aniya, maging ang mga ‘justices’ ay hindi maaaring tumutol sa kapangyarihan ng Presidente dahil ito ay ginagarantiya ng ating Constitution.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang kapangyarihan ng pangulo na magkaloob ng clemency ay “absolute” at maari aniya itong gawin ng sino mang punong ehekutibo nang hindi naghihintay ng rekomendasyon mula sa Department of Justice (DOJ) at Board of Pardon and Parole (BPP).
Inihayag pa ni Nograles na dumaan sa tamang proseso ng batas ang pagbibigay ng clemency ng Pangulo kay Teehankee at pinag-aralan muna niyang mabuti ang rekomendasyon ng Bureau of Corrections (BuCor).
Matatandaang si Teehankee Jr., na anak ni dating Supreme Court Chief Justice Claudio Teehankee Sr., ay pinalaya mula sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos na pagkalooban ng presidential clemency ng Pangulong Arroyo na umani naman ng batikos sa panig ng oposisyon at ibang grupo. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending