^

Bansa

Makati judge pinaiimbestigahan ng Chief Justice

-

Pinaiimbestigahan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno ang isang hukom sa Makati Regional Trial Court (RTC) dahilan sa umano’y hindi patas nitong desisyon.

Base sa isang pa­ hinang kautusan ni Puno, inatasan nito si Court Administrator Jose Perez na imbestigahan si Judge Winlove Dumayas dahil sa umano’y bias nitong de­sisyon at hindi pinag-aralang mabuti ang mga pangyayari sa kaso ga­yundin ang hindi pag­bibigay ng tamang hatol sa kasong nakabinbin sa kanyang sala.

Nag-ugat ang kautu­san ni Puno sa inihaing reklamo ni Team Image inc. President Felix Co matapos na bawiin ni Dumayas ang naunang desisyon nito na ina­atasan ang negosyanteng si William Tieng na mag­bayad sa una ng halagang P38.7 million para sa kasong paglabag sa isang compromise agreement kaugnay sa kita nila sa kanilang negosyo.

Sinabi ni Co na ang naging desisyon ni Du­mayas ay pagsuway sa naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na ipinagpatuloy naman ang pagdinig sa sala ng Hukom na pumapabor sa una.

Samantala, nadisku­bre din ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa gina­wang budget hearing na naantala ang pag­papa­tupad ng kautusan ng SC na nag-aatas sa Mega Pacific na bayaran ang Commission on Elections (Comelec) ng P1 billion para sa hindi natuloy na automation program.

Sinabi umano ng Comelec kay Santiago na si Dumayas ang nag-apruba sa petition ng Mega Pacific para sa motion for reconsideration sa desisyon ng SC.

Giit ni Santiago hindi pangkaraniwan para sa isang Hukom na pagbig­yan ang motion for reconsideration mula sa isang desisyon ng Korte Supre­ma na final and executory na.

Nabatid na si Duma­yas din ang Hukom na siyang naghatol kay Daily Tribune publisher and editor-in-chief Ninez Chacho-Olivarez sa kasong libelo nito.

Sa kabila naman ng kautusan ni Puno dito na pagbayarin na lang si Oli­ varez sa halip na pag­kakakulong hinatulan pa rin ni Dumayas ang publisher ng tatlong taong pag­ka­kakulong at P5 milyong kabayaran para sa damages sa law firm na Villa­ra­za, Cruz, Marcelo Angang­co. (Gemma Amargo-Garcia)

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

COMELEC

COURT ADMINISTRATOR JOSE PEREZ

COURT OF APPEALS

DAILY TRIBUNE

DUMAYAS

HUKOM

MEGA PACIFIC

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with