Pinarangalan ng Senado ang 13-year-old na Pinay Skater na si Anna Isabela “Issai” Villafuerte dahil sa pagkakapanalo ng 11 ginto, anim na silver at tatlong bronze medal sa Figure Sakating Competition sa estados Unidos na pinamunuan ng United States Figure Skating Association (USFSA).
Hiniling ni Senate President Manuel Villar Jr. sa inihain nitong senate resolution no. 114 na kilalanin at parangalan ng Kongreso si Issai dahil sa husay at karangalang ibinigay nito sa bansang Pilipinas matapos na makipagkompetensya sa ibang mga nasyon.
Si Issai ay tatlong buwang nakipagkompetensya ss Estados Unidos at ang kauna-unahang Pinay skater na pinayagang makalahok sa patimpalak ng USFSA matapos na dumaan sa mahabang pagsubok noong 2007 sa pamumuno din ng USFSA.
Naniniwala si Villar na si Issai ay magiging inspirasyon ng mga Filipina na maging bukas ang kanilang kalooban sa larangan ng ice skating. (Malou Escudero)