^

Bansa

Milk tea, kape at sotanghon isusunod?

-

Pinag-aaralan na rin ng Department Of Health kung isasama ang mga produkto ng “Mr. Brown” sa listahan ng Bureau of Food and Drug Administration hinggil sa ipinag­babawal na nakakala­song mga pagkain mula sa China.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na aalamin muna nila kung ang mga gatas ng Mr. Brown ay nagmu­mula sa naturang bansa.

Ang hakbang ng DOH ay bunsod sa kahilingan ng United States Food and Drug Administration na ibilang sa pinagba­bawal na mga produkto ang Mr Brown kabilang dito ang kape at milk tea.

Iniutos din kahapon ng Malacañang sa Bureau of Food and Drugs na ieksamen na rin ang mga sotanghon at iba pang flour-based pro­ducts na galing sa China.

Sinabi ni Duque na, bukod sa gatas o dairy products mula sa China, dapat matiyak ding ligtas mula sa melamine content ang mga iba pang pagkain na mula sa China tulad ng sotanghon.

Sinabi naman ni DOH chief epidemiologist Eric Tayag na nais nilang malinawan kung anu-ano ang mga produktong kontaminado ng mela­mine dahil sa ngayon ay maraming pagkain na ang iniuulat na konta­minado ng naturang kemikal.

Nakumpiska naman ng Presidential Anti-Smuggling Group ang apat na container van na naglalaman ng mga smug­gled flour na nag­kakahalaga ng P12 mil­yon mula sa China na nakatakdang ipuslit sa Port of Manila.

Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr. na hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng China ang nasabing mga arina na posibleng may taglay na toxic chemi­cals tulad ng melamine. (Gemma Amargo Garcia at Rudy Andal)

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUG ADMINISTRATION

ERIC TAYAG

GEMMA AMARGO GARCIA

MR BROWN

MR. BROWN

PORT OF MANILA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with