Batang may UTI dumarami
Naalarma ang Department of Health (DOH) hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga batang nagkakasakit ng Urinary Tract Infection (UTI) sa bansa.
Ayon kay Dr. Yolanda Oliveros, director ng Health department ng National Center for Disease Prevention and Control, nakikita nila ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng mga may sakit na UTI kung saan ito ay nakababahala dahil ang mga dumaranas nito sa ngayon ay mga bata.
Lumilitaw sa pag-aaral na sa 6 milyong elementary students ang sumailalim sa pagsusuri mula sa taong 1994 hanggang 1999, nabatid na 1.5 milyon ang nagkaroon ng kidney stones o isa sa apat na estudyante ang may UTI.
Nakasaad sa record na ang UTI ay isang uri ng im peksiyon sanhi ng bacteria sa kidney.
Sinasabi ng mga eksperto na ang infection ay posibleng hereditary, maling eating habits at katamaran sa pag-ihi.
Payo pa rin ng mga eks perto na mas dapat bawasan ang pagkain ng mga maaalat at ugalin ang pag-inom ng maraming tubig. (Doris Franche)
- Latest
- Trending