Presyo ng softdrink at energy drink patataasin

Inihain kamakailan ni Palawan Congressman Abraham Mitra sa House of Representatives ang isang panu­kalang-batas na nagpa­pataw ng dag­dag na 20 porsiyentong excise tax sa mga soft­drink, energy drink at iba pang inu­ming hindi naka­ka­lasing.

Layunin ng kanyang bill na mapataas ang presyo ng mga produk­tong ito at mapilitan ang mga mamimili na bawa­san ang pag-inom nito.  

Bukod dito, pinuna niya na nakakapagdulot din ng sakit na diabetes, bone franctures, hyperacidity, tooth decay, prob­ lema sa puso at kata­baan ang naturang mga inumin. (Butch Quejada)

Show comments