Iniutos ni Pangulong Arroyo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mabilis na pagkumpuni sa mga nasirang tulay sa Iloilo upang makabawi kaagad sa larangan ng ekonomiya ang lalawigang ito na naapektuhan ng bagyo.
Sinabi ng DPWEH region 6 director Rolando Asis, malapit ng matapos ang nasirang E. Marcos bridge na nag-uugnay sa Maasin at Cabautan sa Iloilo.
Wika pa ni Asis, ang pagkumpuni sa E. Marcos bridge ay nagkakahalaga ng P190 milyon at minamadali na ito ng DPWH na matapos upang magamit na ng mga residente.
Nitong nakaraang buwan, binuksan na ang Tigum bridge sa Tabucan, Cabatuan matapos na sumailalim sa pagkumpuni. Ang isinasagawang rehabilitasyon ay lalong magpapatibay sa Tigum bridge na nag-uugnay naman sa Iloilo at Capiz route.
Ang iba pang tulay na under repair ay ang Macapagal-Syjuco friendship bridge sa Alimodian, Baltazar-Aquino bridge sa Leon at Camanggahan bridge sa Guimbal. (Rudy Andal)