^

Bansa

Mga senador na kumukuwestiyon sa P200M 'budget insertion' pumirma rin sa insertion

-

Sa gitna nang kontro­bersiyal na pagkakadoble ng budget para sa extension ng C-5 road, nasilip kahapon ni Sen. Joker Arroyo na kasama sa mga nagsusulong ng imbesti­gasyon sa isyu ang mga se­nador na pumirma sa sina­sabing P200M “budget insertion”.

Ayon kay Arroyo, “una­nimous” ang naging pag-abruba ng Senado sa 2008 national budget at kasa­mang bumoto sa pag-ap­ruba nito sina Lacson, Sens. Loren Legarda, Jamby Madrigal, at Mar Roxas.

Ayon kay Arroyo, dahil sa kapabayaan ng Se­nado, iimbestigahan nila ang kanilang sarili hinggil sa kontrobersya.

“We would be investigating ourselves of approving to what we are complaining about or, to say at least, for our ineptness and indolence for not paying attention or not having a watchful eye” ani Arroyo.

Sinabi naman ni Arroyo na totoo na mayroong dalawang appropriation na P200M sa bawat proyekto, pero lumalabas sa kan­yang pagsisiyasat batay sa record ng Senado na hindi idinagdag ng Kongreso ang P200M batay naman sa rekomendasyon ng Malakanyang.

At ng ipinasa ito sa Senado, nagkaisa sila na magdagdag ng paniba­gong P200M hiwalay sa orihinal na panukala ng Malakanyang sa parehong C-5 President Carlos Garcia project. (Malou Escudero)

AYON

JAMBY MADRIGAL

JOKER ARROYO

KONGRESO

LOREN LEGARDA

MALAKANYANG

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

PRESIDENT CARLOS GARCIA

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with