^

Bansa

Iranian dineport sa pekeng passport

-

Isang Iranian national ang ipinatapon palabas ng bansa kahapon ng mga ahente Bureau of Immigration matapos na gumamit ng pekeng Norwegian pass­port ilang minuto lamang pagkadating nito sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 3 galing Singapore.

Kinilala ni Immigration head supervisor Marie Vitan ang dayuhan na si Mohamad Ranjbarzad, 34, tubong Tehran.

Si Mohammad ay dumating dakong alas-9 ng gabi sakay ng Philippine Airlines flight PR-508 at ng ipakita nito ang kanyang passport ay napag-alaman ng immigration inspector na na-tamper ito at nasa pangalan ng isang Rekve Arntin Hoel, 26.

Inamin naman ng nasabing dayuhan na binili niya ang kanyang pasaporte ng halagang $2,000 habang siya ay nasa Bangkok. Mula Singapore ay dadaan ito sa Manila at saka tutungo pa-Australia bilang pinal nitong desti­nasyon. Dahil dito, inaresto ang nasabing Iranian at iniutos na ilagay sa exlcusion area at agad na ideport sa Singapore na kanyang point of origin o pinagmulan saka isama sa mga blacklisted persons.

Nang tanungin sa suspect ang kanyang Iranian passport ay sinabi nitong nai-flush niya ito sa kubeta pagkadating sa NAIA. Narekober naman ng BI intelligence officers, sa pangunguna ni Rudy David, ang Iranian passport sa kubeta ngunit ito’y sira na at nawawala pa ang ilang pahina.

“We are hand in hand in coordinating with embassy representatives to arrest passengers using Manila as a jumpoff point to other destination such as Canada, Australia and Japan,” wika ni Libanan. (Ellen Fernando)

AUSTRALIA AND JAPAN

ELLEN FERNANDO

ISANG IRANIAN

MARIE VITAN

MOHAMAD RANJBARZAD

MULA SINGAPORE

NINOY AQUINO INTERNATIO

PHILIPPINE AIRLINES

REKVE ARNTIN HOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with