^

Bansa

Unified contract sa OFWs inatras ng Saudi Embassy

-

Kasunod ng apela at pag-aksyon ni Senate President Manny Villar, hindi itinuloy ng embaha­da ng Saudi Arabia ang implementasyon ng kon­tro­bersyal na “unified con­tract” para sa mga OFW na patungo sa kanilang bansa.

Ipinabatid ito kay Villar ni Saudi Arabian Ambas­sador Mohammed Ameen Wali na tumawag sa tele­pono para sabihin na ipi­nagpaliban ang imple­men­­tasyon ng kanilang bagong patakaran na pa­iiralin na sana noong Set­yembre 1.

“Maganda itong bali- ta na tiyak na ikasisiya    ng ating mga overseas      wor­ker. Nagpapasalamat   ako kay Ambassador Mo­hammed Ameen Wali sa mabilis niyang aksyon at sa pagtugon sa ating apela,” ayon kay Villar, pangulo rin ng Naciona­lista Party.

Matatandaan na su­mulat at nakipag-ugna-yan si Villar sa em­ bahador upang hilingin na huwag ipatupad ang ba­gong pa­ta­karan dahil ma­aapek­tu­han ang libo-li­bong OFWs.

Nag­kasundo silang magtatayo muna ng panel na magsa­sagawa ng review kaug­nay sa na­sabing contract scheme lalo ang mga pro­bisyon na lubhang tinutu­tulan ng mga OFW’s at mga manpower recruit­ment agencies.

Ang embahador ng Saudi Arabia ay malapit na kaibigan ng Pangulo ng Senado. (Rudy Andal)

AMBASSADOR MO

AMEEN WALI

IPINABATID

MOHAMMED AMEEN WALI

RUDY ANDAL

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIAN AMBAS

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with