^

Bansa

Sec. Andaya babalik sa Kongreso, makikihati sa distrito ni Datu Arroyo?

-

Nais umanong buma­lik bilang kinatawan ng Maba­bang Kapulungan ng Kon­greso si Budget Secretary Rolando Anda­ya, at upang hindi ‘masa­gasaan’ ang anak ni Pa­ngulong Gloria Arroyo na si Rep. Datu Arroyo, pag­hahatian ng da­lawa ng Camarines Sur.

Ito ang hinala ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, matapos silang mag­kainitan ni Sen. Joker Arroyo na naghain ng panu­kalang batas na nagla­layong dagdagan ang congressional district ng dating lalawigang kinaka­tawan ni Andaya sa Kon­greso, pero hawak nga­yon ni Datu Arroyo.

Nagkainitan sina Arroyo at Aquino mata­ pos ipag­pilitan ng una na isa­ma sa kalen­daryo ang panukalang pagda­dag­dag ng distrito sa Ca­ma­rines Sur.

Mula sa kasalukuyang limang distrito, balak itong dagdagan pa ng isa upang maging lima ang kinata­wan sa Kongreso na hini­hinalaang ilalaan naman kay Andaya.

May kahalintulad ring panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4264.

Bago italagang kali­him ng DBM, si Andaya ang kinatawan ng distrito nito sa Camarines Sur na nga­yon ay hawak ni Datu Arroyo.

Ikinatuwiran naman ni Aquino na mas bibigyan niya ng prayoridad ang panukalang batas na nag­lalayong hatiin ang Cavite dahil mas mara­ming nag­susulong para dagdagan ang distrito nito at mas­yado nang malaki ang populas­yon ng lala­wigan.

Isa pa sa nakikitang problema ni Aquino ang populasyon sa Camari­nes Sur na malabong maka­kuha ng 250 libong popu­lasyon para sa ka­ragda­gang congressional district. (Malou Escudero)

ANDAYA

AQUINO

CAMARINES SUR

DATU ARROYO

META

MSO

SHY

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with