Puno at Rosales pinarangalan
Matapos kilalanin ang Pilipino Star NGAYON ng Komisyon sa Wikang Filipino bilang tanging pahayagang Tagalog na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng pambansang wika, pinara ngalan din ng KWF ang walong indi bidwal sa pangunguna ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong nakaraang Agosto.
Pinarangalan din ng Gawad Sagisag Quezon sina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, dating Environment Secretary Heherson Alvarez, Education Undersecretary Vilma Labrador – chairperson ng National Commission for Culture and the Arts; ang publisher ng Bulletin na si Don Emilio Yap dahil sa mga multilingual na publication nito tulad ng Liwayway, Bannawag, Bisaya at Hilgaynon Magazines; Komiks King Carlo J. Caparas at asawang si Donna Villa; Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta; at ang beteranang anawnser sa radyo na si Tiya Dely Magpayo. Ang mga awardees ay kinilala sa kani-kaniyang mala king kontribusyon sa pagpapahalaga sa wikang pambansa.
- Latest
- Trending