^

Bansa

Libreng serbisyo sa gov’t employees alok ng GELAC

-

Dahilan sa dumara­ming mga suliraning legal na kinakaharap ng mga kawani ng gobyerno, isang grupo ng mga abugado na naglalayon na magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga kawani ng pama­halaan ang itinatag upang ipaglaban ang karapatan ng mga ito.

Ayon kay Atty. Albert M. Velasco, founding member ng Government Employees Legal Action Center (GELAC), layunin ng kani­lang grupo ang magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga kawani ng gob­yerno partikular sa kani­lang suliranin sa Government Service Insurance System [GSIS].

Ito ay dahil sa mara­ming empleyado ng gob­yerno ang nahaharap sa usaping legal na walang kakayanang magbayad para sa serbisyo ng isang abugado na magtatanggol sa kanilang karapatan.

Ayon kay Velasco, ang GELAC ay kaaga­pay at magiging sandalan ng mga kawani ng pama­halaan hindi lamang sa kanilang mga suliranin sa GSIS ngunit sa lahat ng aspetong legal na may kinalaman sa kanilang mga benepisyo.

Ayon naman sa grupo ng mga guro, “malaking tulong ang GELAC para ipagtanggol ang aming mga karapatan na matagal ng nayuyurakan partikular sa aming mga benepisyo sa GSIS.”

Tinatayang 40% ng GSIS members ay pawang mga public school teach­ers. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALBERT M

AYON

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with