^

Bansa

Survivor sa C-130 malabo pa

-

Nagsagawa na ng isang “search and rescue” operations ang Philippine Air Force (PAF) team sa karagatan ng Davao kung saan sinasabing bumag­sak ang isang C-130 cargo plane na may lulang da­lawang piloto at pitong crew nitong Lunes ilang minuto matapos magtake-off sa Davao airport.

Wala pang survivor ang nakukuha ng mga frogmen habang nakuha lamang ng mga rescuer ang upuan ng eroplano at maraming parte ng ka­ tawan ng tao ang nare­kober.

Lubha namang nahihi­rapan ang mga divers dahil ang bumagsak na erop­lano ay nasa 600-800 ta­lampakang lalim ng dagat o may 2.5 milyang layo sa southwest ng Samal island.

Ang kayang sisirin la­mang ng mga rescuers ay 200-300 talam­pakang lalim na lubhang malayo pa sa ilalim na bi­nagsakan ng nasabing eroplano.

Dahil dito, nanga­nga­ila­ngan pa ng mga submarine para ma-inspect o mahatak ang naturang eroplano. 

Dahil sa pagbagsak ng C-130 Hercules, pansa­man­talang sinuspinde ng PAF ang pagpapalipad ng kanilang natitirang C-130.

Inamin ni PAF chief Lt. Gen. Pedrito Cadungog na malaki ang epekto ng pag­bagsak ng C-130 sa operation ng PAF dahil ito ang gi­na­gamit ng PAF sa pag­dadala ng military troops sa mga lugar na may bak­bakan, pang-deliver ng cargo at iba pang relief goods sa mga lugar na sinalanta ng kala­midad.

Ayon naman kay PAF Spokesman Maj. Gerry Zamudio, malaking kawa­lan ang pagkawala ng C-130 sa mga misyong isi­nasagawa ng Air Force dahil tatlong C-130 na lamang ang natitirang eroplano at isa na lamang ang gumagana. (Ellen Fernando, Butch Queja­da/Joy Cantos)

AIR FORCE

BUTCH QUEJA

DAHIL

DAVAO

ELLEN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with