Ilulunsad ngayong araw ng United Transport Koalisyon ang “White Ribbon” campaign at motorcade na may temang “Hold the Line for Peace” sa Kalakhang Maynila na lalahukan ng 100 pampublikong sasakyan upang ipanawagan ang kapayapaan at itigil na ang kaguluhan at digmaan sa Mindanao.
Sinabi ni Atty. Vigor Mendoza, chairman ng 1 UTAK, ang “White Ribbon” campaign ay pagpapakita ng kanilang suporta at pagtugon sa karaingan ng kanilang mga miyembro sa Kamindanawan. (Doris Franche)