Magpakahinahon sa MOA – Dureza
Iginiit kahapon ng Malacañang sa lahat ng sektor ng lipunan maging Kristiyano o Muslim, Lumad, government officials, civic leaders o mula sa judiciary na magpakahinahon sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa pagitan ng GRP-Moro Islamic Liberation Front (MILF) at tratuhin ito na may sinseridad.
“Let us not play around with peace. The alternative to peace is war. It is best that everyone Christians, Muslims, Lumads, government officials, leaders of civil society, Congress and those in the judiciary must all treat the pending issue with sobriety in circumspection and with abiding resolve that all must contribute to install peace in the land,” wika ni Press Secretary Jesus Dureza.
Hiniling din ni Dureza na ipaubaya na sa Korte Suprema ang usapin at itigil na ang pagpapalaganap ng mga walang basehang espekulasyon na naglalagay sa kapayapaan ng Mindanao sa balag ng alanganin.
Aniya, mula noong maluklok si Pangulong Arroyo noong 2004 ay nakasentro na ito upang maresolba ang suliranin sa Mindanao at nais niyang magkaroon na dito ng katahimikan at naniniwala ang Pangulo na ang MOA-AD ang magiging sagot dito.
At sa sandaling manaig na ang kapayapaan, ang kasunod nito ay ang pag-unlad. Hindi lamang ito para sa
“We are confident that media, a key player in inculcating a culture of peace, will go beyond sound bites and catchy headline and become partners rather than impartial chroniclers or at worst critics of this effort,” paliwanag pa ni Dureza, dating kinatawan ng GRP sa peace talks. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending