^

Bansa

174 bagong anti-drug agents

-

Umaabot sa 174 mga bagong anti-drug agents ang nanumpa kahapon ng kanilang tungkulin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ikatlong batch ng mga ahente na pangunahing susugpo sa salot na iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni PDEA Director General Dionisio San­tiago Jr. na ang 174 mga bagong operatiba ang na­tira sa 2,800 mga aplikante buhat sa iba’t ibang panig ng bansa matapos na isalang sa masusing screening process.

Kabilang sa mga pag­ susuri na dinaanan ng mga aplikante ang neuro examinations, mental tests at agility tests. Maituturing rin na mga propesyunal ang mga bagong ahente dahil sa kuwalipikasyon na kaila­ngang tapos ng kurso sa kolehiyo at pasado sa professional examination ng Civil Service Examination.

Sinabi ni Santiago na nagawa nilang maka­pag-recruit ng mga ahente dahil sa inilaang P1 bilyong pondo na ibinigay ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) para sa mga ahensya ng pamahalaan. (Danilo Garcia)

CIVIL SERVICE EXAMINATION

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KABILANG

MAITUTURING

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

SINABI

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with