^

Bansa

MOA di dapat ikabahala

-

Hindi pa isang batas ang Memorandum of  Agreement (MOA) sa pa­gitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) at hindi rin isang kontrata na kaila­ngan nang ipatupad kaya wa­lang dapat ikabahala.

Ito ang ginawang pag­lilinaw ni Misamis Occidental Gov. Leo Ocampos sa pangamba ng ilan tungkol sa kontrobersiyal na GRP-MILF MOA.

Ipinaliwanag ni Ocam­pos, national president ng League of Provinces of the Philippines, ang MOA ay isa lamang kapirasong papael na kailangan pang aprubahan ng Kongreso at ng pagbabago sa Kons­titusyon para maipa­tupad. 

“A public debate is also a healthy avenue for better understanding of the MOA,” sabi ni Ocam­pos.

Nanawagan din si Ocam­pos sa GRP at MILF na ilantad sa pub­liko ang mga nakapaloob sa MOA dahil naniniwala ito na maraming good points dito gaya ng economic gains kaysa puli­tika.

Sinabi naman ni La­nao del Norte Congressman Bobby Dimaporo na wa­lang dapat ipangamba sa kontrobersyal na MOA dahil ang layunin nito ay makamit ang kapayapaan sa Minda­nao.

“Isa lamang adyenda sa negosasyong pang­kapaya­paan ang MOA na inaasa­hang maisasa­katuparan sa loob ng 12 buwan. Kaya nga nan­dyan ang lahat ng gusto ng MILF dahil ito ang punto ng usapan,” sabi ni Di­maporo sa isang pana­yam.

Bukod dito, ayon pa sa kanya, kailangan mu­nang dumaan sa plebisito ang MOA dahil ito ang naka­saad sa batas ng Autonomous Region for Muslim Minda­nao. (Butch Quejada)

AUTONOMOUS REGION

BUTCH QUEJADA

GOVERNMENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

LEAGUE OF PROVINCES OF THE PHILIPPINES

MOA

OCAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with