^

Bansa

Rubout! - CHR

-

Hindi umano shootout kundi rubout ang naganap sa mga suspek sa RCBC massacre na nagresulta sa pagkamatay nina Pepito Magsino, Vivencio Javier, Angelito Malabanan at Rolando Lachica. 

Ito ang lumabas sa resolusyon ng pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng isinagawang fact-finding investigation sa insidente sa Tanauan, Batangas na kumitil sa buhay ng mga suspek.

Dahil dito, inirekomen­da ng CHR na magsasa­ga­wa sila ng joint public hearing katuwang ang human rights committee ng Mababang Kaplungan ng Kongreso.

Gayundin ay itutuloy ng CHR ang mga public hearing at bibigyang pansin  ang pananagutan ng mga opisyal ng provincial at regional PNP sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility. 

Hihilingin din ng CHR kay PNP Chief Avelino Razon Jr. na suspindihin muna o tanggalin sa pwes­to ang mga tauhan ng pulisya na nasasangkot sa insidente at ipatatawag nila ang mga testigo para ma­kapanumpa ng kanilang mga pahayag na kakaila­nganin sa pagdinig. 

Sinabi pa ng CHR na isasailalim nila sa ebal­wasyon ang usapin ng posibleng financial assistance para sa mga na­iwang mahal sa buhay ng mga biktima. 

Nakasaad pa sa reso­lusyon ng CHR na tulungan ang mga kaanak ng mga bik­tima na mabigyan ng libreng legal assistance para makapagsampa ng kauku­lang mga kaso sa mga ka­ukulang ahensiya ng gob­yerno laban sa mga nasa­sangkot sa naganap na insidente. (Angie dela Cruz)

ANGELITO MALABANAN

CHIEF AVELINO RAZON JR.

HUMAN RIGHTS

MABABANG KAPLUNGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with