Probe panel sa suhulan sa CA binuo

Nagtatag ng isang komite ang Korte Su­prema para siyang mag-iimbestiga sa uma­noy suhulan sa Court of Appeals.

Sinabi ni Atty. Midas Marquez, tagapag­sa­lita ng Supreme Court,  na pangungunahan ng mga retiradong ma­histrado ang pag-iim­bestiga sa kontrober­syal na pagsuhol kay CA Associate Justice Jose Sabio ng negos­yanteng si Francisco Roa de Borja.

Pangunguhan ni retired Justice Carolina Aquino ang nasabing panel samantalang mi­yembro nito sina ret Justices, Romeo Calle­jo at Flerida Ruth Re­meo.

Araw-araw na mag­sasagawa ng hearing simula sa Agosto 7 ng taong kasalukuyan ang komite bago mag­sumite ng report sa Agosto 21.  (Gemma Amargo-Garcia)

 

Show comments