Klase sa 11 lugar sa Luzon sinuspinde
Dahil sa bagyong Julian, ipinasuspinde kahapon ng National Disaster Coordinating Council ang klase sa elementary at high school levels sa 11 lugar sa Northern at
Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration ang public storm signal number 1 sa maraming lugar sa Hilagang Luzon.
Sinabi ni NDCC Deputy Director at Spokesman Dr. Anthony Golez Jr. na kabilang sa mga lugar na ipinasuspinde nila ang klase ang Batanes, Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga at Bulacan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending