Sabio nag-sorry kay Lopez

Humingi ng pauman­hin si Court of Appeals (CA) Associate Justice Jose Sabio kay Meralco Chairman Manolo Lopez dahil sa pagkakadawit ng pangalan nito sa kontro­bersyal na usapin ng P10 milyon suhol dito.

Sinabi ni Sabio na siyang chairman ng CA 6th division, ang pagka­kadawit umano ng pa­ngalan ng negosyante ay kagagawan lahat ng ne­gosyanteng si Francis de Borja.

Sa ngayon anya, kung ano man ang nararam­daman ni Lopez ay dapat nitong tanungin si de Borja dahil ito ang ugat ng lahat ng kaguluhan.

Dagdag pa ng Mahis­trado na wala sana siyang balak na ilabas ang pa­nga­lan ni de Borja dahil nireres­peto niya ito at matagal na silang mag­kakilala subalit napilitan siya dahil hindi nito ma­sik­mura na hindi ilabas ang katotohanan lalo pa uma­­no at reputasyon at dig­nidad niya ang naka­sa­lalay dito.

Sa kabila nito nanin­digan pa rin si Sabio na wala siyang kinalaman sa P10 milyon suhulan kaug­nay pa rin sa kaso ng Meralco at GSIS.

Nagtataka din si Sabio kung bakit ganoon kaliit ang tingin sa kanya ni de Borja na kaya siyang su­hulan ng salapi. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments