Utol ni Speaker Nograles isinabit sa swine scam

Nabunyag kahapon sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee at Agriculture and Food ang nangyaring “pam­ba­­baboy” sa “swine fund” o pondo ng baboy kung saan sumabit din ang pangalan ng ka­pa­tid ni Speaker Prospero No­grales na si Atty. Jose Nograles.

Lumabas sa pagdi­nig na si Atty. Nograles na nagtrabaho sa “Trust department” ng Land­bank of the Philippines ay na­kinabang din uma­no sa pondo ng baboy dahil naningil ito ng P14 mil­yong attorney’s fee para sa paglagda niya bilang testigo sa lending form ng Quendancor.

Base sa orihinal na akusasyon ni Atty. Harry Roque na pinagbase­han ng resolusyon ni Sen. Jamby Madrigal, noong 2004, ang Quen­dancor o Quendan and Rural Cre­dit Guarantee Corp. ay umu­tang ng P3 bilyon mula sa Land Bank.

Ang P3 bilyon ay ba­hagi ng P5 bilyon swine program ng gobyerno kung saan ang mga mag­sasaka na gustong lu­mipat sa pag-aalaga ng baboy ay dapat ma­kaka­tanggap ng subsidy.

Sinabi ni Roque na ang pondo ay hindi na­tanggap ng mga mag­sasaka dahil ang pondo ay na-divert sa 2004 presidential elections.

Hanggang kahapon ay hindi nakapagpakita ng listahan ang Que­dancor kung sino ang mga mag­sasaka na na­biyayaan ng pondo ng baboy.

Lumabas din sa pag­dinig na maliban pa sa kuwestiyonableng P14 milyon na attorney’s fee ni Nograles, nag-hire din ng consultancy firm na ONL Consultants na siyang nag-facilitate ng loan.

Umabot umano sa ma­higit na P300 milyon ang ibinayad sa legal fees, agency fees, arran­ger’s fees, consultacy fees at iba pa.

Ayon kay Madrigal maliwanag na may­roong nangyayaring pattern sa mga anomalya sa gob­yerno kung saan ang nasabing pondo sa baboy ay ginamit umano noong 2004 presidential elections samantalang ang fertilizer scam na­man ay pinani­niwalaang ginamit sa nakaraang senatorial elections na ipinondo sa mga kandi­dato ng ad­minis­trasyon. (Malou Escudero)

Show comments