^

Bansa

Pulis pwedeng mag-sideline

- Joy Cantos -

Puwede ng mag-sideline ang mga pulis tuwing off duty ang mga ito, alin­sunod na rin sa pagpayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon Jr. dahil na rin sa narara­ nasang pan­daigdigang krisis.

Gayunman, nagbigay ng kondisyon si Razon na tanging sa mga ang­ kop na trabaho lamang ma­aring makapag-sideline ang mga pulis para mag­karoon ng ‘extra income.’  

Ayon kay Razon, ma­aaring humanap ng extra job ang mga pulis basta’t tiyakin lamang na ito’y legal at hindi papasok ang mga ito bilang ’bouncer ‘ o yaong mga tagagulpi sa mga abusadong mga customer sa mga club.

Ipinaliwanag ni Razon na kung bouncer ang papa­sukan ng mga pulis na nais magkaroon ng sideline, tiyak aniyang papasok dito ang gulo na taliwas sa mis­yon ng mga pulis na taga­protekta ng mamamayan dahil hindi maiiwasang protektahan nito ang esta­blisimyen­tong kanilang pagkuku­nan ng dagdag kita.

Isinuhestiyon naman ni Razon na bukod sa pagi­ging taxi at jeepney driver, maaari ring maging extra job ng mga pulis ang pagiging dance instructor, martial art instructor o ma­ging extra sa pelikula kahit ang mga magiging papel ng mga ito’y kontrabida. 

Batay sa report, ma­rami sa mga pulis parti­kular na yaong mga ma­ba­baba ang suweldo ang dumaraing na nahihi­rapan silang pagkas­yahin ang kanilang kinikita sa pangangailangan ng ka­nilang mga pamilya lalo pa nga at sobrang taas na ang presyo ng mga pa­nguna­hing bilihin.

AYON

BATAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with