87% ng Metro residents gustong alisin na ang VAT
Sa kabila ng matigas na paninindigan ni Pangu-long Arroyo na hindi nito kailanman tatanggalin ang 12% VAT na ipinapataw ng gobyerno sa lahat ng mga produktong petrolyo, siyam sa 10 residente ng Metro Manila ang nagpahayag ng kagustuhan na ibasura na ang buwis sa langis.
Sa ginawang survey ng IBON Foundation nitong Hulyo 12 at 13, lumalabas na 87.33% ang nais na tanggalin na ito habang 8.36% lamang ang nais na manatili ito at 4.31% ang tumangging magbigay ng kanilang opinyon.
Sa pag-aaral rin ng IBON, bababa ng higit sa P7 ang presyo sa premium, diesel, unleaded, at kero-sene kung mawawala na ang VAT dito ngunit matigas naman ang paninindigan ng administrasyong Arroyo na manatili ito dahil sa pinagkukunan ng subsidiya para sa mga mahihirap.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Sonny
Hindi umano angkop sa mga mahihirap ang nilikhang ekonomiya ng administrasyon ni Mrs. Arroyo kaya nararamdaman ng mamamayan ang bigat ng krisis na dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain, langis at serbisyo. (Danilo Garcia/Rose Tesoro/Doris Franche)
- Latest
- Trending