Dapat umanong pa-nindigan ni Sen. Juan Ponce Enrile ang pahayag na mag-iinhibit sa im bestigasyon hinggil sa umano’y smuggling sa Cagayan.
Ito ang ginawang hamon ni Senate Majority leader Francis “Kiko” Pangilinan na humikayat pa kay Enrile na tuluyang huwag dumalo sa isasagawang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means sa naturang isyu na sisimulan bukas.
“Pag inhibit, inhibit dapat. Hindi ka na magpa-participate at hindi na rin lulutang pa sa pagdinig dahil posibleng ma-intimidate mo lang ang mga sasalang sa imbestigasyon,” saad ni Pangilinan.
Matatandaang isinasangkot ang manugang ni Enrile na si James Kocher sa car smuggling sa Port of Irene sa Cagayan.
Bukod sa smuggling, nabahiran din ng dungis ang pangalan ni Enrile dahil sa umano’y pagpayag nito sa on-line gambling inside operations sa Cagayan Export Zone.
Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na ang approval ni Enrile sa on-line gambling sa loob ng CEZ ay mala king sampal sa kampanya ng pamahalaan hinggil sa isyu ng morality lalo pa’t ang asawa nito na si Cristina Ponce Enrile ang ambassador to the Vatican.
Nabansagan ang Cagayan bilang “cybercity” o cybergambling capital ng bansa dahil tanging ito lamang ang lalawigan na may gambling establishment nang walang approval mula sa PAGCOR.
Ang on-line gambling ay pinayagan sa Cagayan sa pamamagitan ng spe cial law na inisponsor ni Enrile na Republic Act No. 7922 noong 1955 o ang batas sa pagbuo ng Cagayan Export Zone Authority.
Sa ilalim ng batas, lahat ng uri ng sports at recreational activities ay papayagan sa CEZA, kabilang na ang horse at dog racing, gambling casinos at golf courses. (Butch Quejada)