^

Bansa

‘Totohanin ang pag-inhibit sa car smuggling probe’

-

Dapat umanong pa-nin­digan ni Sen. Juan Pon­ce Enrile ang pahayag na  mag-iinhibit sa im­ bes­ti­gasyon hinggil sa uma­no’y smug­gling sa Ca­ga­yan.

Ito ang ginawang ha­mon ni Senate Majority leader Francis “Kiko” Pa­ngilinan na humikayat pa kay Enrile na tuluyang huwag dumalo sa isasa­gawang pagdinig ng Se­nate Committee on Ways and Means sa naturang isyu na sisimulan bukas.

“Pag inhibit, inhibit dapat. Hindi ka na magpa-participate at hindi na rin lulutang pa sa pagdinig dahil posibleng ma-inti­midate mo lang ang mga sasalang sa imbes­tigas­yon,” saad ni Pangi­linan.

Matatandaang isina­sangkot ang manugang    ni Enrile na si James Ko­cher sa car smuggling sa Port of Irene sa Cagayan.

Bukod sa smuggling, nabahiran din ng dungis ang pangalan ni Enrile dahil sa umano’y pagpa­yag nito sa on-line gamb­ling inside operations sa Cagayan Export Zone.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na ang approval ni Enrile sa on-line gambling sa loob ng CEZ ay mala­ king sampal sa kampanya ng pamahalaan hinggil     sa isyu ng morality lalo pa’t ang asawa nito na si Cristi­na Ponce Enrile ang am­ba­s­sador to the Va­tican.

Nabansagan ang Ca­gayan bilang “cybercity” o cybergambling capital ng bansa dahil tanging ito lamang ang lalawigan na may gambling establish­ment nang walang appro­val mula sa PAGCOR.

Ang on-line gambling ay pinayagan sa Cagayan sa pamamagitan ng spe­ cial law na inisponsor ni Enrile na Republic Act No. 7922 noong 1955 o ang batas sa pagbuo ng Caga­yan Export Zone Authority.

Sa ilalim ng batas, lahat ng uri ng sports at recrea­tional activities ay papa­yagan sa CEZA, kabilang na ang horse at dog racing, gambling casinos at golf courses. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CAGAYAN EXPORT ZONE

ENRILE

EXPORT ZONE AUTHORITY

JAMES KO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with