Dismissal ng 11 Magdalo aprub na kay GMA
Dinismis na sa rooster ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 11 Magdalo junior officers na sangkot sa Oakwood mutiny matapos aprubahan ni Pangulong Arroyo ang hatol dito ng General Court Martial.
Kinilala ang mga dinis mis sa serbisyo na sina apt. Gary Alejano (Marines), Lt. Senior Grade Andy Torrato (Navy); Capt. Segundino Orfiano (Air Force); Lt. Senior Grade Eugene Louie Gonzales (Navy); Lt. Senior Grade James Layug (Navy), Lt. Senior Grade Manuel Capochan (Navy) ; Lt. Jonnel Sanggalang (Marines); Lt. Junior Grade Arturo Pascua Jr. (Navy); 1st Lt. Francisco Acedillo (Air Force); Lt. Billy Pascua (Air Force) at Ensign Armand Pontejos (Navy).
Ang mga akusado ay napatunayang nagkasala sa paglabag sa Articles of War (AW) 96 conduct unbecoming an officer and a gentleman na ang kaparusahan ay dismissal o pagpapatalsik sa serbisyo.
Sa ilalim ng military justice system, ang hatol ng GCM ay ‘final and executory’ o mapagtitibay lamang kung aaprubahan ni Pangulong Arroyo bilang Commander in Chief.
Magugunita na noong Hulyo 27, 2003 ay sinakop ng may 300 junior officers at enlisted personnel ng AFP sa ilalim ng Magdalo Group ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City sa bigong pagtatangka na agawin ang kapangyarihan sa gobyerno. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending