^

Bansa

Rapist dumarami – PNP

-

Dumarami ang mga rapist sa bansa matapos manguna sa tala ng pam­bansang pulisya ang rape sa ‘crime against person.’

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ave­lino Razon Jr., nakaka­gulat dahil matapos siyang dumalo sa kumperensya ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), sa halip na theft o robbery ay rape ang tumaas.

“It’s significant dahil hindi robbery ang nakita nating nag-rise sa crimes against person, rape and tumaas”, pahayag ni Ra­zon.

Sinabi ni Razon na pinag-aralan na ng PNP sa kasalukuyan kung bakit tumaas ang kaso ng rape sa bansa kumpara sa homicide at iba pang kaso na nahahanay sa ‘crime against person.’

Hindi naman umano nila inaalis na ang pagla­ganap ng pornographic materials gaya ng x-rated VCD, DVD at access sa internet ang nakakaimplu­wensya sa isang indibidwal na makagawa ng nasabing karumal-dumal na krimen.

Karamihan rin sa mga biktima ay mga bata kung saan ang mga nang-mo­les­tiya sa mga ito ay mis­mong kanilang mga ka­dugo.

Samantala nakaba­bahala rin na maging ang mga menor-de-edad ay nasasangkot na rin sa mga kaso ng rape. (Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVE

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAZON JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with