^

Bansa

‘Di paglayag ng mga barko kapag may bagyo, papatay sa maritime industry

-

Hindi umano sagot sa pag-iwas sa trahedya sa dagat ang pagbabawal sa paglalayag ng mga barko base sa typhoon signal ng isang bagyo, kundi ang pagbibigay ng karampa­tang technical know-how at kredibilidad ng mga nama­mahala at tauhan sa in­dustriya ng shipping.

Sa pahayag ni Congressman Alvin Sandoval ng lone district ng Mala­bon/Navotas, sinabi niya na ang ganitong pagba­bawal sa mga barkong lu­mayag ng inter-island sa oras na may bagyo ay magbubunga ng kamata­yan ng maritime industry ng ating bansa.

Ayon kay Sandoval, ang pagbabawal sa Sul­pico Lines upang magla­yag ay hindi isang mabu­ting hakbang dahil 30 porsiyento ng local shipping industry ay mula sa nasabing kumpanya. Ma­laki anya ang mawawala sa kaban ng pamahalaan kung patuloy na ipagba­bawal ang operasyon nito.

Aniya, ang Professio­nal Regulatory Commission ang nararapat mag­patupad ng mahigpit na patakaran para masiguro na pawang “deserving examinees” lamang ang ma­ka­kapasa at mabibigyan ng karampatang lisensiya.

Idiniin niya na ang pag­papataas sa uri ng mga weather forecasting equipment ng cargo ships, passenger ships, super tankers at ibang pang sasak­yang pandagat ay isa sa mga dapat gawing hak­bang upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang ka­pitan ng barko na mauna­waan ang lagay ng pana­hon.

Ipinanukala rin ni San­doval, nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Marine Engineering sa State University of New York, ang pagbuo ng isang shipping fund na sasa­ gutin ng nagmamay-ari ng mga sasakyang pandagat upang magamit sa mga sakunang maaari nitong kasangkutan.

Ang nasabing pondo ay maire-reimburse mula sa mga insurance companies. (Butch Quejada)

BACHELOR OF SCIENCE

BUTCH QUEJADA

CONGRESSMAN ALVIN SANDOVAL

MARINE ENGINEERING

REGULATORY COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with