^

Bansa

Sayyaf lalong lalakas dahil sa ransom

-

Iginiit kahapon ng Ma­la­cañang na tinutulungan lamang ng mga nagbaba­yad ng ransom kapalit ng paglaya ng kidnap-victim ang Abu Sayyaf Group (ASG) upang palakasin ang kanilang fire-power.  

Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza, nag-aalala ang mga local officials sa Sulu na lalong lumakas ang puwersa ng ASG sa kanilang lugar dahil sa patuloy na pagba­bayad ng ransom kapalit ng paglaya ng kanilang mga kidnap-victims tulad ng ginawa ng ABS-CBN news team. 

Ayon kay Sec. Dureza, ang ibinabayad na ransom para sa kalayaan ng kidnap-victim ng ASG ay gina­gamit ng bandidong grupo upang bumili ng mga ar­mas at mag-recruit ng kanilang karagdagang puwersa. 

“Kaya sumasama ang loob ng mga Sulu officials at residente sa tuwing malalaman nilang nagba­ba­yad ng ransom sa ASG ang mga kaanak ng kidnap-victim dahil lalong pinapalakas lamang nito ang kanilang puwersa at fire-power,” wika pa ng kalihim. 

Pinakahuling dinukot ng ASG ang ilang tauhan ng Basilan Electric Cooperative (Baselco) na pina­laya kamakalawa matapos magbayad umano ng ransom. (Rudy Andal)

ABU SAYYAF GROUP

AYON

BASELCO

BASILAN ELECTRIC COOPERATIVE

DUREZA

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with