Sotto uupo sa drug board
Pormal na uupo na bilang Acting Chairman ng Dangerous Drugs Board si dating Senador Tito Sotto matapos ang isang taon na “moratorium” sa pagbibigay ng appointment ni Pangulong Arroyo sa mga puwesto sa pamahalaan.
Papalitan ni Sotto si outgoing Chairman Anselmo Avenido Jr. sa pormal na “turn-over ceremony” ngayong umaga sa DDB Bldg sa NIA Road, Pinyahan, Quezon City.
Ayon naman sa mga opisyales ng DDB, maituturing na angkop kay Sotto ang naturang puwesto dahil sa “track record” nito sa Senado kung saan ito ang naging pangunahing may-akda ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na siya ring dahilan ng pagkakalikha ng Philippine Drug Enforcement Agency. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending