Fishing ban sa Romblon lang - DOH
Nagsanib-puwersa na kahapon ang Department of Health, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at World Health Organization (WHO) upang payapain ang publiko laban sa fish scare at manumbalik ang tiwala sa pagkain ng isda at iba pang pagkaing dagat.
Sinabi kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas na kainin ang isda basta’t hindi ito nagmula sa Romblon dahil nananatili pa rin ang temporary ban sa panghuhuli at pagkain ng isda na mag mumula sa karagatang sakop ng Romblon bunga ng posibleng toxic na makukuha sa kemikal na karga ng M/V Princess of the Stars at mga bulok na katawan ng pasahero.
Ani Duque, karamihan ng seafoods sa merkado ay galing sa
Hindi naman umano titigil ang mga awtoridad sa pagmomonitor kada ika-12 oras na pagkuha ng water samples sa karagatan ng Romblon upang makatiyak sa kondisyon ng dagat lalo’t mayposibilidad na makontamina ito ng endosulfan pesticide. Sa kasalukuyan ay negatibo pa rin ito sa kontaminasyon.
Sa panig ng BFAR, sinabi ni Gil Adora na walang dapat ipag-alala ang publiko sa mga ibinebentang isda sa palengke dahil tiyak na walang nanggaling sa Romblon dahil naka-quaratine na ang mga lugar dito at imposible na makapangisda pa roon, simula noong Biyernes.
Bukod pa rito, ang mga isda ay tinatawag na resident fish ng lugar na hindi naman lumalayo pa ng kanilang pinaglalanguyan at hindi na mapapadpad sa ibang teritoryo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending