No rollback! – Napocor
Habang kumikilos ang Manila Electric Company na maibaba pa ang presyo ng kuryente, tahasan namang inisnab ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang atas ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibalik sa konsumer ang sobrang singil na P10 bilyon sa nakaraang dalawang taon at simulang ibaba ang singil sa isinu-supply na elektrisidad.
Ayon sa ERC, dalawang petisyon sa power rate hike ang iniharap ng Napocor para sa karagdagang .38 sentimo/kwh sa kasalukuyang P3.8966/kwh na sinisingil nito.
Nauna rito, pinagpaliwanag ng ERC ang NAPOCOR kung bakit hindi nagbaba ng halaga ng singil sa nakalipas na dalawang taon sa kabila ng paglakas ng piso. Sa pagsusuma ng ERC, kabuuang P10-bilyon ang dapat ibalik ng Napocor sa susunod na anim na buwan para makatikim ng ginhawa sa electric bills ang mga consumers.
Tinuligsa ng mga energy experts ang Napocor sa hinihingi nitong dagdag sa presyo ng kuryente na anila’y “mapanlinlang” matapos ipasya ng ERC na bawasan ng .7270 sen timos/kwh ang P3.8966/kwh na singil ng NAPOCOR.
Batay sa record ng ERC, sabay inihain ng Napocor ang dalawang petisyon kamakailan para makasingil ito ng P4.2651/kwh o karagdagang 0.38 sentimo/kwh sa generation charge mula sa P3.8966/kwh at karagdagang 0.21 sentimo/kwh para naman sa “incremental currency exchange adjustment” o Icera.
Sinabi ng ERC na “Kung babawasin ang P0.7270/kwh sa P3.8966/kwh na singil na iniutos namin, lalabas na P3.1696 lang ang dapat na singil talaga ng Napocor kaya sa petisyon nilang P4.2651/kwh, lalabas na P1.09/kwh ang tunay na hirit ng Napocor.”
“Malinaw tuloy na sa kabila ng aksyon ng aming tanggapan na maibaba ang presyo ng kuryente, lalo pa itong tataas sa mga darating na araw,” dagdag ng ERC.
Lubhang apektado naman sa Icera ng Napocor ang mga power consumer sa
Noong Hunyo 11, ay nag-utos ang ERC sa Napocor na agarang ibalik ang P10 bilyon sa mga kos tumer nito dahil sa ginawang “pag-ipit” ng Napocor sa mga natipid nito sa nakaraang dalawang taon.
- Latest
- Trending