Hinatulan kahapon ng Banaue, Ifugao Regional Trial Court ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ang woodcarver na si Juan Donald Duntugan makaraang mapatunayang nagkasala sa pagpatay sa isang volunteer ng United States Peace Corps na si Julia Campbell noong Abril ng nakaraang taon.
Batay sa 36 na pahinang desisyon ni Judge Esther Pisoco Flor, makukulong si Duntugan sa loob ng 20 hanggang 40 taon nang walang parole dahil sa pagpaslang kay Campbell habang nagbabakasyon ang biktima sa bansa.
Sinabi ni Flor na may pagtatraydor at pagga mit ng lakas sa krimen para sentensyahan si Duntugan kaya tinanggihan ang argumento ng akusado na simboyo lang ng galit kaya nagawa nitong patayin ang biktima.
Ikinasiya ng kapatid ni Campbell na si Gerry Morris ang desisyon ng korte.
Noong Abril 8, 2007, naglalakad si Campbell sa isang magubat na daan patungo sa rice terraces ng Ifugao nang mapatay siya ni Dugtugan. Sinasabi ni Dugtugan na napagkamalan niya ang Amerikana na isa sa kaaway niya.
Natuklasan ang bangkay ni Campbell sa isang mababaw na hukay pagkaraan ng 10 araw mula nang paslanngin siya.
“Imposibleng hindi nakilala ni Duntugan si Julia dahil, ayon na rin sa kanya, nakasalubong at namukhaan pa niya ang isang Melvin Churhangon ilang minuto maka raang itapon niya ang bangkay ni Julia,” sabi pa ng korte.