US trip ‘wag nang tapusin
Wala na umanong dahilan para patagalin pa ni Pangulong Arroyo ang pananatili niya sa Amerika dahil nakausap na naman nito si US Pres. George W. Bush.
Ayon kina Senate Minority Leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr. at Sen. Francis “Chiz” Escudero, dapat nang bumalik sa Pilipinas si Arroyo upang personal naman nitong maipakita ang pakikisimpatya sa mga naging biktima ng bagyong Frank.
Hindi na anila dapat paabutin pa ng Martes ang pananatili ng Pangulo sa Amerika lalo pa’t mas dapat nitong bisitahin ang mga lalawigang sinalanta ng bagyo.
Naniniwala sina Pimentel at Escudero na ngayon ang tamang panahon para mapatunayan ni Mrs. Arroyo ang kanyang propaganda o campaign slogan na “GMA Cares” dahil maraming mga Pinoy ang naghihintay ng tulong ng Malacanang.
Kung totoo aniyang may pagmamalasakit sa mga mahihirap ang Pangulo, dapat ay kinansela na lamang nito ang pagbiyahe sa Amerika.
Ilang beses nang nasangkot ang Sulpicio Lines sa mga sakuna kabilang na ang MV Dona Paz na bumangga sa
Hindi lamang ang Pangulo ang binabatikos sa ngayon kundi ang nasa 59 na kongresista na sumama sa biyahe at pinaniniwalaang manonood pa ng laban ni People’s Champ Manny Pacquiao. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending