GSIS chief pinalagan ng Meralco retirees
Mariing pinabulaanan ng mga retiradong kawani ng MERALCO ang paratang ni GSIS Gen. Manager Winston Garcia na ang pensyong ibinabayad ng kompanya para sa mga retiradong kawani nito ay sinisingil sa mga electric consumers.
“Sinungaling si Winston Garcia,” anang galit na si Aureto Ferma, pangulo ng Meralco Retirees Association (MERA). ‘Hindi namin ipakakain sa aming pamilya ang galing sa masama at lalung hindi nila ipapasa ang retirement benefit nila kapag sila’y namatay na
“The pension we are receiving is part of the fruits of our labor. Resulta ito ng aming mahabang panahon ng paglilingkod sa publiko na tuwina’y humihingi ng aming serbisyo 24 oras bawat araw, pitong araw sa isang linggo,” dagdag pa niya.
Una nang sinabi ni Garcia na kahit umano bayad sa pension ng mga retiradong empleyado ng Meralco ay kinukuha ng kumpanya sa mga kostumer nito, kasabay ng pagbabanta na ito ang una niyang lulusawin sakaling maagaw nito ang Meralco sa pamilya Lopez.
Subalit ani Ferma, ang mga “pagsisinungaling” ni Garcia sa publiko hinggil sa kanilang pension fund ay nagdudulot lamang ng pangamba sa kanilang hanay.
Idinagdag pa nito na nakakatakot na ang mga ginagawang paninira ni Garcia hinggil sa Meralco at kanilang pension fund dahil nadadamay na ang kinabukasan ng kani-kanilang pamilya.
Kasabay ng naturang pahayag ay isang re solusyon din ang inilabas ng MERA na pirmado ng lahat ng opisyal nito kung saan mariin nilang kinondena ang mga “paninira” ni Garcia at anila’y mga maling akusasyon nito sa kanilang grupo. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending