GMA makikipagkita kina Obama at McCain
Hindi lamang ang pakikipagpulong kay US President George W. Bush ang mahalagang pakay ni Pangulong Arroyo sa kanyang 10-araw na working visit sa US kundi nais din nitong palakasin ang kanyang “political dynamics” kaya nais niyang makaharap ang magkalabang sina presidential candidate Barack Obama ng Democratic party gayundin si John McCain ng Republicans.
Alas-10:30 kagabi ay tumulak na patungong San Francisco, California si Pangulong Arroyo kasama si FG Mike Arroyo, 10 Gabinete, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Sen. Richard Gordon at 59 na kongresista kabilang ang Presidential Son’s na sina Pampaga Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Datu Arroyo.
Pagdating ng Pangulo sa
Nakatakdang talakayin ng 2 lider ang global issues tulad ng terrorism, food security, nuclear non-proliferation at human rights. Magpapasalamat din si PGMA kay Bush dahil sa pagkakapasa ng Veterans Benefits bill kung saan ay makikinabang ang mga WW2 Filipino veterans.
Sa pagbisita din ni PGMA sa US Capitol sa June 25 ay inaasahan ang pakikipagkita nito kay Obama at isang luncheon meeting kay McCain sa June 28.
Ayon sa Pangulo, wala siyang nakikitang masama o
- Latest
- Trending