Malapit na umanong mapantayan o malagpasan pa ng tinatawag na miracle plant o malunggay ang nutritional value ng soybean meal.
Maliban sa kahanga-hangang resulta sa tao ng pagkain ng malunggay, kinilala na rin bilang superior livestock feed meal ang malungay meal, o pagkain ng mga alagang hayop na mula sa dahon at buto ng malunggay.
Batay sa ginawang pag-aaral ng organisasyong tinatawag na Biomasa, mas ma-gatas ang mga baka na kumakain ng malunggay feed meal o nakapagpo-produce ng sampung litro ng gatas kada araw kumpara sa pitong litro lamang kung soybean ang pagkain.
Maliban dito, mas mabigat din ng tatlo hanggang limang kilo ang bagong silang na baka mula sa average na timbang na 22 kilo.
Sa isinagawa namang pag-aaral ng isang grupo ng Japanese poultry experts, mas maganda ang resulta ng mga inilalabas na itlog ng mga manok. (Angie dela Cruz)