‘Akala ko bibigyan kami ng reward’ – Mayor Isnaji

“Akala ko bibigyan kami ng reward, bakit kala­boso kami ngayon!”

Ito ang naghihimutok na pahayag ni Indanan, Sulu Mayor Alvarez Isnaji matapos silang tuluyang arestuhin at ikalaboso ng kaniyang anak na si Haider “Jun” Isnaji.

Sinabi ni Mayor Isnaji na lubha silang nasor­presang mag-ama dahil inakala nilang inimbitahan lamang sila ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame para big­yan ng reward sa pagtu­long sa negosasyon na nag­ bigay daan sa paglaya nina Ces sa kamay ng Abu Sayyaf kidnappers.

“Napakasaklap nitong pangyayaring ito, nag-negotiate lang kami tapos bigla na lamang principal suspect na sa Sulu kidnapping,” malungkot na paha­yag ng alkalde.

Dismayado ang mag-amang Isnaji matapos na mabaligtad ang sitwasyon dahil tumulong na nga umano sila para mapalaya sina Ces ay ganito pa ang naging pagtrato sa kanila ng PNP.

Itinanggi rin nito ang paratang na gagamitin niya ang ransom money bilang campaign fund sa kanyang pagtakbo bilang gober­nador ngayong ARMM election.

Alam anya ni Ces kung anong naging papel nilang mag-ama at posibleng naipit lang sila sa pamu­mulitika sa bansa at iginiit na wa­lang kapalit na ransom ang pagpapalaya kina Ces.

Ayon pa kay Mayor Isnaji, dating MNLF leader, wala umano siyang relas­yon sa mga kidnappers maliban sa kanyang ma­gandang liderato na ipi­nagkakaloob sa kani­yang mga nasasakupan sa Sulu. (Joy Cantos)

Show comments