Gamot mura na!
Sta. Cruz, Laguna - Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008 na magpapababa sa presyo ng gamot sa bansa sa ginanap na seremonya sa
Nakapaloob sa nilagdaang batas ang pagka karoon ng competition sa local market sa pamamagitan ng parallel importation ng mas mura subalit may kalidad na gamot.
Pinalakas din ng batas ang regulatory powers ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) laban sa mga sub-standard na mga gamot.
“We all know about the importance of Generics Law before but it was incomplete, and now with the cheaper medicines and quality bill we have completed, I believe, our legislative reforms in bringing affordable medicines to the people,” wika pa ni Mrs. Arroyo sa kanyang maikling mensahe bago lagdaan ang nasabing batas.
Inatasan niya ang Department of Health na bilisan ang paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 120 araw upang tuluyang maipatupad na ito at makabili na ng mas murang gamot ang mamamayan lalo sa kanayunan.
“With the signing of this law, the DOH put into high gear to further accelerate efforts to expand Botika ng Barangay outlets with the goal of 15,000 outlets nationwide by 2010,” wika naman ni Health Secretary Francisco Duque.
Naniniwala naman si Palawan Rep. Antonio Alvarez, co-author ng nasabing panukala sa Kamara, hindi kaagad mararamdaman ng taumbayan ang pagbaba ng presyo ng mga gamot dahil ina asahan nilang mararamdaman pa ito sa loob ng 6 hanggang 8 buwan hanggang sa mapayagan na ang importasyon ng mga gamot.
Sa ilalim ng nasabing batas, puwede nang umangkat ang sinumang indibidwal o organisasyon na nakare histro sa BFAD ng mga imported medicine na mas mura sa ibang bansa kaysa sa ibinebenta sa mga drug stores sa bansa.
Dumalo sa pagsasabatas sa Cheaper Medicine Bill sina Sen. Mar Roxas, Sen. Pia Cayeta no, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Rep. Edcel Lagman, Rep. Joselito Roxas, Rep. Antonio Alvarez at iba pang co-authors ng nasabing panukala.
- Latest
- Trending