^

Bansa

Zubiri namemeligro sa recount?

-

Nanganganib na ma­tanggal pa sa pu­westo si Senator Juan Miguel Zubiri matapos ihayag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimen­tel Jr., na luma­mang na sa recount ng Senate Electoral Tribunal  ang anak niyang  si Genuine Opposition candi­date Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ayon kay Pimentel, sinunod na nila ang SET rules na ang protesting candidate ay kailangang patunayan na may basehan sila sa protesta sa pa­ mama­gitan ng pag­papakita ng ebiden­siya kahit man lamang sa 25 por­syento ng election results sa pilot areas.

Inihayag ni Pimentel na sa isinagawang physical counting ng 664 precincts  mula sa Maguindanao,  Shariff Ka­bunsuan, Lanao del Norte at Sulu, si Koko ay lamang na ng 17,117 boto kay Zubiri.

Pero nagbabala ka­hapon ang kampo ni Zubiri kay Pimentel sa pamamagitan ng abo­gado nitong si George Erwin Garcia na ta­nging ang SET lamang sa pamamagitan  ng isang resolusyon ang maaaring maghayag ng isinasagawang recount at hindi pa tapos ang bilangan. (Malou Escudero)

GENUINE OPPOSITION

GEORGE ERWIN GARCIA

MALOU ESCUDERO

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMEN

SENATOR JUAN MIGUEL ZUBIRI

SHARIFF KA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with