TV ads ng mga pulitiko, hindi maagang pangangampanya - Comelec
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi naman maituturing na pangangampanya ang mga commercial advertisement ng mga pulitiko dahil hindi pa naman umano nakakapagsumite ang mga ito ng certificate of candidacy.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Comelec spokesman James Jimenez matapos na hilingin ni Senator Miriam Defensor-Santiago na imbestigahan ng Comelec ang iba pang senador na may mga commercial at nag-eendorso ng mga produkto at upang mapalakas ang kanilang mga imahe sa publiko.
“Under the Fair Elections Act, one cannot be accused and punished of premature campaigning unless they have already filed their Certificates of Candidacy (COCs) to the Comelec,” ani Jimenez.
Nabatid na ang panukala ni
Nakasaad naman sa Omnibus Election Code na ang campaign period ay sa loob lamang ng 45 araw bago ang ha lalan maliban na lamang kung babaguhin ng Comelec.
Ilan sa mga senador na may advertisement ay sina Richard Gordon, Pia Cayetano, Loren Legarda, Panfilo Lacson, Francis Escudero, Francis Pangilinan, Manuel Villar at Mar Roxas. (Doris Franche)
- Latest
- Trending