^

Bansa

12 oras na walang tubig sa Caloocan at Malabon; 8 oras sa Quezon City

-

Labindalawang oras na walang tubig sa ilang bahagi ng Caloocan at Malabon simula alas-11 ng gabi ng Huwebes (Mayo 29, 2008) hang­gang alas-11 ng umaga sa susunod na araw (Biyernes) Mayo 30.

Ayon sa Maynilad Waters, ang sanhi ng water interruption ay dahil sa gagawing interconnection ng  300-mm line sa dating 450-mm mainline sa  Re­paro St. malapit sa kanto ng Gladiola St., Malabon City. Samantala, 8-oras na walang tubig  sa ilang ba­hagi Quezon City simula alas-10 ng gabi ng Huwe­bes, Mayo 29, hang­gang alas-6 ng umaga, ng Bi­yernes, Mayo 30, sanhi ng pag­papalit ng nasirang 300-mm ACP watermain­line sa pagitan ng Roose­velt Ave. Epifanio delos San­tos Avenue at Dangay St., Quezon City.

Ang mga lugar na mawawalan ng tubig sa loob ng 12-oras ay ang Bagong Lote at kalapit na lugar nito, Gladiola St., kabuuan ng Circumferential, at Ara­neta University sa Caloo­can City at Bgys. 140 hanggang 144 sa Mala­bon City. Sa kabilang banda, ang mga lugar na mawawalan ng tubig sa QC sa loob ng walong oras ay ang mga Bgys. Veterans, Bungad, Del Monte, Kati­ punan, San Antonio, Paltok, Paraiso, Masam­bong, Da­mayan, Mariblo, Apolonio Sam­son, at ilang bahagi ng Bahay Toro. Mahina na­man ang suplay ng tubig sa ilang lugar sa QC sa loob ng 8 oras sa bahagi ng Bgy. Sienna, Bgy. Manresa, Bgy. Balin­gasa at Bgy. Talayan. (Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)

APOLONIO SAM

BAGONG LOTE

BAHAY TORO

BGY

BGYS

CITY

GLADIOLA ST.

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with