Toothpick ieendorso ni Enrile

Kung si Senador Juan Ponce Enrile ang mag-een­dorso ng produkto, ang nais niyang iendorso ay toothpick o kaya ay panlinis ng dila.

Ito ang pabiro niyang tugon ng kapanayamin tung­kol sa dumaraming bilang ng mga senador na napipiling mag-endorso ng mga pro­dukto sa telebis­yon.

Kasabay nito ay pina­yuhan ni Sen. Pia Caye­tano, pinuno ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang mga public officials na mag-ingat at piliin ang eendorso nilang produkto.

Ayon kay Cayetano, may malaking panana­gutan ang mga nag-een­dorso ng produkto at ma­aring makaladkad ang kanilang pangalan kung papalpak ang produkto.

Bagaman at isa rin si Ca­yetano sa mga senador na may commercial sa telebis­yon dahil personal nitong iniindorso ang “Downy, isang banlaw”, idinagdag nito na may kinalaman naman sa pagti­tipid sa tubig ang kanyang commercial.

Naging isyu ang pagla­bas ng mga pulitiko sa mga commercial matapos mapa­­ulat na kulang umano sa sang­kap ang Lucida DS na iniendorso ni Sen. Loren Legarda.

May kanya-kanya ring commercial sina Sen. Richard Gordon na nag-een­dorso ng Safeguard; Sen. Panfilo Lacson, model ng Facial Care Center; Sen. Mar Ro­ xas, Tide;  Sen. Alan Francis “Chiz” Escudero, Curculan; at Sen. Kiko Pangilinan, Lucky Me. (Malou Escudero)

Show comments