Bubusisiin na ng Commission on Human Rights ang kaso ng pagkawala ng isang consultant ng National Democratic Front (NDF) na kinilalang isang Randy Malayao.
Sa pinaka-huling report ng CHR region 2 office sa Tuguegarao kay CHR Chairperson Leila de Lima, si Malayao ay natagpuan na at ngayon ay nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology sa Cataggaman, Tuguegarao City, Cagayan.
Si Malayao, 39 anyos ay sakay diumano ng isang G-liner bus noong Mayo 15 ng taong ito nang bigla na lamang dukutin ng mga hindi kilalang suspek sa may tapat ng Robinson’s Department Store sa Cainta Rizal.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dumanas ng paghihirap si Malayao sa kamay ng mga dumukot sa kaniya na pinaniniwalaan nitong mga miembro ng intelligence command ng Armed Forces of the Philippines. (Angie dela Cruz)