^

Bansa

Pagkawala ng NDF consultant bubusisiin

-

Bubusisiin na ng Commission on Human Rights ang kaso ng pag­kawala ng isang consultant ng National Democratic Front (NDF) na kinilalang isang  Randy  Malayao.

Sa pinaka-huling report ng CHR region 2 office sa Tuguegarao kay CHR Chairperson Leila de Lima, si Mala­yao ay natagpuan na at ngayon ay nasa panga­ngalaga ng Bureau of  Jail Management and Penology sa Catagga­man, Tugue­garao City, Caga­yan.

Si Malayao, 39 an­yos ay sakay diumano ng isang G-liner bus noong Mayo 15 ng taong ito  nang bigla na lamang du­kutin ng mga hindi kila­lang suspek sa may tapat ng Robin­son’s Department  Store sa Cainta Ri­zal.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dumanas ng paghihirap si Malayao sa kamay ng mga dumukot sa kaniya na pinaniniwalaan nitong mga miembro ng intelligence command ng Armed Forces of the Philippines. (Angie dela Cruz)

ARMED FORCES

CAINTA RI

CHAIRPERSON LEILA

HUMAN RIGHTS

MALAYAO

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with