Ermita bagong Pres’l Spokesman
Kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita na siya na ang bagong Presidential Spokesman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kapalit ni outgoing Spokesman Ignacio Bunye.
“It took me by surprise because I never thought the President had that in mind,” wika ni Ermita.
Mananatili pa ring executive secretary si Ermita kahit itinalaga na siyang opisyal na tagapagsalita ng Palasyo.
Nakatakdang umalis sa Gabinete ni Mrs. Arroyo si Bunye sa July 3 kung saan ay magiging miyembro siya ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas subalit mananatili din siyang presidential adviser for political affairs.
Si Presidential Adviser on Peace Process Jesus Dureza ang kapalit ni Bunye sa pagiging Press Secretary habang si retired AFP chief Hermogenes Esperon Jr. ang papalit kay Dureza sa iniwan nitong posisyon. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending